Una sa Balita

Trike driver na-heat stroke

By
0 109

Nakayukyok sa harapan ng kanyang motorsiklo nang makitang walang buhay ang isang 59-anyos na tricycle dri­ver na hinihinalang biktima ng heat stroke kamakalawa ng gabi sa San Marcelino Street, Ermita, Maynila.

Kinilala ni PO3 Aldeen Legaspi, imbestigador ng Manila Police District-homicide section, ang biktimang si Danilo Ducusin, ataga-1324 Mayhaligie St., Sta. Cruz, Maynila.

Dakong alas-7:40 ng gabi nang makita ng guwardiya ng Zen to­wer na si Eleuterio Vispo Jr. sa nakaparada tricycle sa harap ng Zen Tower matatagpuan sa 111 Natividad Lopez St. corner San Marcelino St. Ermita, Maynila ang biktima.

Huli umanong nakitang buhay ang biktima nang isilong nito ang tricycle na minamaneho dahil sa malakas na ulan at nang tumila ang ulan, uma­lis na ang isa pang tricycle driver na nakaparada at naiwan ang biktima dahilan para lapitan ito ni Vispo pero laking gulat niya nang matuklasang patay na ang biktima kaya kaagad na ipinaalam sa pulisya.

Wala namang nakitang anumang sugat sa katawan ang biktima kaya ipinalagay na inatake ito dahil sa matinding init sa kanyang pamamasada.

Dinala ang bangkay ng biktima sa Archangel Funeral Homes para sa awtopsiya. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy