Una sa Balita

Trike driver, inarkila para patayin

By
0 0

Holdap ang sinasabing motibo ng pulisya sa pamamaslang sa isang traysikel drayber matapos itong pagbabarilin ng dalawang lalaki na umupa sa kanyang serbisyo kahapon ng umaga sa ba­yan ng Matnog, Sorsogon.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Joel Gara, 38, binata at residente ng Barangay Tabunan ng nabatid na bayan, ito ay nagtamo ng anim na tama ng bala mula sa calibre .45 baril.

Samantala, inaalam pa ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na umarkila ng traysikel ng biktima at siya ring responsable sa pagpatay dito.

Sa ulat ng pulisya, pinatay ang biktima dakong alas-otso ng umaga sa kahabaan ng Barangay Sisigon ng bayang ito matapos itong pagbabarilin ng dalawang suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Nauna dito, inarkila ng mga suspek ang traysikel ng biktima upang magpahatid sa isang barangay.

Base naman sa salaysay ng kapatid ng biktima, mayroon umanong P15,000 si Joel na ngayon ay nawawala matapos itong paslangin.