Una sa Balita

Trigger happy na staff ni mayor timbog

0 449

WALANG habas na nagpaputok ang 55-anyos na empleyado ng Office of the Mayor sa Ternate, Cavite Kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Indiscriminate Firing at kinakaharap ng suspek na si Eduardo Magbanua.

Sa ulat ni ­PMSgt. ­Andres Agcaoli ng ­Ternate ­Municipal ­Police Station, ­nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned ­citizen dahil sa walang ­habas na nagpapaputok ­habang naglalakad ang isang lalaking nakasuot lamang ng gray pants, yellow jersey at naka-bullcap.

Agad namang rumes­ponde ang mga operati­ba ng Tenate MPS kung saan inaresto ang ­suspek dakong alas-7:45 kamakalawa ng gabi sa Brgy. Bucana, Ternate, Cavite.

Ayon kay Agcaoli, hindi naman nanlaban ang suspek nang arestuhin na lango sa alak matapos na lumaklak ng tatlong bote ng Gin.

Agad namang naki­lala ng mga awtoridad ang suspek na staff sa tanggapan ni Ternate Mayor Lamberto Bambao sa hawak nitong Identification Card.
Nabatid na walang papel ang ginamit na baril ng suspek. (Gene Adsuara)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More