Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tricycle wasak sa 2 trak, 2 todas

0 16

Patay ang dalawang sakay ng tricycle nang salpukin ang sinasakyan nila ng Isuzu Forward Double Cab at dump truck sa Silang Cavite, Biyernes ng madaling araw.

Namatay noon din sina Charlie Pyponco Repel Jr, 23, ng Sta. Rosa Laguna at Aiveen Rimbao Arcega, 22, ng Silang, Cavite. Kinilala naman ang driver ng dump truck na si Angelo Malang Vidal, 26, taga-Bulacan at Alex Butlig Ladica, 46, ng Nueva Ecija.
Sa ulat ni Corporal Ramil Legaspi ng Silang Police Station, ala-1:00 kahapon ng madaling araw nang naganap ang insidente sa Tagaytay-Sta Rosa Road, Brgy Puting, Kahoy, Silang.

Binabagtas ng mga biktima at dump truck ni Vidal, ang Sta Rosa-Tagaytay direction kung saan una ang tricyle kasunod ng dump truck.

Minamaneho din ni Ladica ang double cab sa kabilang kalsada at pababa ito nang mawalan ng kontrol sa manibela. Pumihit ito pakaliwa kaya tumagilid at bumangga sa tricycle na bumagsak sa kanang bahagi ng kalsada.

Nadamay din ang dump truck at dahil kasunod ang tricycle ay nasuyod din ang mga biktima at total wreck ang tricycle. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.