Una sa Balita

Tricycle vs SUV: 1 dedo

By
0 0

Isa ang patay habang dalawang iba pa ang sugatan sa naganap na salpukan ng tricycle at Nissan Patrol Wagon sa kahabaan ng Governors Drive, Barangay Hugo Perez, Trece Martires City, Cavite, pasado alas-singko kamakalawa ng hapon.

Sa inisyal na ulat ng Trece Martires Component Police Station, ino­kupa ng tricycle (WX 6018) na minamaneho ni Macario Tejidor, 72-an­yos, ng Brgy. Hugo Perez, TMC, ang kabilang linya ng kalsada, kung saan nabulaga ito sa kasalubong na Nissan Patrol (XPY 867) na minamaneho ni Renato Rodil, 34-anyos, ng Brgy. 12 Poblacion, Amadeo, Cavite.

Nagresulta ito sa head on collision at ikinasu­gat ng mga pasahero ng tricycle na sina Christian Carson, 27-anyos, ng Brgy. Cabuco, TMC at Pamfilo Pareja, 54-an­yos, ng Brgy. Punta, Tanza, Cavite, na agad isinugod sa ospital, samantalang nalagutan naman ng hininga si Macario habang nilalapatan ng lunas ng mga doktor.