Una sa Balita

Tricycle, pick-up salpukan: 2 patay

0 177

NASAWI ang dalawang pasahero habang apat pa ang malubhang nasugatan matapos bumangga ang sinasakyang tricycle sa isang pick-up sa intersection ng Barangay Sto. Domingo, Urdaneta City noong Miyerkoles nang gabi.

Kinilala ang mga namatay na sina Minda Hamto at John Paul Caballa, habang sugatan naman ang asawa ng pick-up driver na si Merlyn Moraleda at tatlong iba pang sakay ng tricycle.

Ayon sa pulisya, madi­lim umano sa nasabing lugar at mabilis ang takbo ng pick-up na minamaneho ni Felicisimo Ferrer, kaya hindi niya napansin ang tricycle.

Dahil sa lakas ng salpukan, tumilapon ang mga biktima, dinala sa pagamutan sina Hamto at Caballa ngunit hindi na umabot nang buhay.

Kasong reckless imprudence resulting to double homicide with multiple serious physical injuries ang kakaharapin ni Ferrer. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy