Una sa Balita

Tricycle driver tinaga sa ulo

By
0 166

DAHIL sa mapurol ang gi­namit na itak, masuwerteng hindi napuruhan ang isang 27-anyos na tricycle driver nang pagtulungan pagtata­gain sa ulo ng magkakapatid sa Cavite, City.

Ginagamot ngayon sa Bautista Hospital ang biktimang si Edpraem Joseph Nepomuceno, binata ng No. 2335 M. Santos St., Brgy. 10-A, Sta. Cruz, Cavite City dahil sa taga sa kanyang ulo.

Naaresto naman ang mga magkakapatid na suspek na sina John Henry Jardin, 27, isang fish vendor; Gary Boy Jardin, 33, fish vendor, at Darwin Jardin, 37, pedicab driver, pawang mga residente ng M. Santos St., Brgy. 10A Sta. Cruz, Cavite City.

Sa report ni PO2 Julius Llave ng Cavity City Police Station, nagmamaneho umano ng motor ang biktima bandang alas-kuwatro nang hapon nang tawagin ni Darwin

Kinompronta umano ito hanggang sa dumating si Garry Boy na may hawak na bato kasunod si John Henry na may bitbit na itak at walang sabi-sabi itong tinaga sa ulo.

Hindi umano napuruhan ang biktima dahil mapurol ang itak na ginamit sa pananaga.

Wala umanong atraso ang biktima sa mga suspek at napagtripan lamang ito dahil lasing.