Una sa Balita

Tricycle driver timbog sa pagtutulak ng droga

0 208

TIMBOG ang isang tricycle driver nang iahin sa kanya ang warrant of arrest ng mga tauhan ng Makati City Police dahil sa kasong droga kahapon sa Barangay Poblacion, Makati City.

Kinilala ni Police Colonel Roge­lio Simon, hepe ng Makati City Police ang nadakip na suspek na si Joel Quiazon, 47-anyos, naninirahan sa nasabing barangay.

Batay sa isinumiteng report ni Simon, dakong alas-9:00 ng umaga nang madakip ang suspek sa pamamagitan ng warrant of arrest na inilabas ni Makati Regional­ Trial Court Executive Judge Elmo Alameda ng Branch 150.
Nakuha ng mga awtoridad sa suspek ang isang Calibre 38 baril na may laman na limang bala, 5 pirasong selyadong transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang pirasong plastic water pipe, 4 na pirasong lighter, 4 na pirasong aluminum foil at isang pouch.

Sinabi ni Simon, na si Quiazon ay sinasabing nagbebenta umano ng droga sa kanyang mga kapwa tricycle driver.

Agad na dinala sa nasabing himpilan ng pulisya ang suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o comprehensive law of firearms and ammunition at Republic Act 9165 o comprehensive dangerous drug act of 2002. (Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy