Una sa Balita

Tricycle driver sa Laguna pinaiyak ni Vice Ganda

By
0 2,304

Bumuhos ang luha sa mga mata ng PGT semi-finalist na si Joven Olvido dahil sinagot ni Vice Ganda ang isang tricycle para sa kanyang kabuhayan.

Nakikibiyahe lamang si Joven sa kanyang pinsan bilang tricycle driver sa Laguna, pero nung Sabado ng gabi ay umikot ang kanyang kapalaran.

Bukod sa isa siya sa most-awaited performances sa PGT dahil sa kanyang very impressive vape tricks na sinabayan pa niya ng komedya noong kanyang audition, eh, talaga namang napabilib niya lalo na si Vice sa kanyang wit na nakipagsabayan sa kanya.

Abante Hiring – IT dep

Hindi nga binigo ni Joven ang expectations ng mga hurado lalo na si Vice nang gumawa siya ng parody of acts ng mga naging golden buzzer na ikinagulat ng lahat.

Nagawa ring ipagtanggol ni Vice ang kanilang sarili at nagpasaring sa mga nagbatikos sa kanila kung bakit pinili nila si Joven bilang semi-finalist dahil sa ginawa nito nung Saturday, ay halos magiba ang venue sa sobrang bonggang reaksiyon ng audience.