Una sa Balita

Tricycle driver patay matapos pagsasaksakin sa Romblon

By
0 1,321

PATAY ang isang tricycle driver habang sugatan naman ang kanyang kainuman matapos na pagsasaksakin sa labas ng isang videoke bar sa Barangay Budiong sa Bayan ng Odiongan sa Romblon noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si William Balentoza Forio habang ang sugatan naman niyang kasama ay kinila-
lang si Jimmy Mercurio Galang, 33-taong gulang.

Ayon kay Galang, habang nag-iinuman umanosilang magbabarkada sa isang videoke bar nang bigla umanong lumabas ang
kasama nitong si Forio para umihi. Ilang minuto ang lumipas lumabas rin si Galang para sundan sana ang biktima ngunit nakita nito na pinagsasaksak na ng dalawang lalaki si Forio.

Sinubukan umanong awatin ni Galang at ng kanyang mga kasama ang dalawang suspek ngunit pati umano si Galang ay sinaksak sa likod gamit ang screw driver kaya agad umano silang nagsitakbuhan.

Naaresto rin sa follow- up operation ng pulisya ang mga suspek at ngayo’y nakakulong sa Odiongan Municipal Police
Station.