Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tricycle driver lodi sa pagsauli ng P20M cash, tseke

0 45

Pinarangalan ang isang tricycle driver sa Tagum City, Davao del Norte na nagsoli ng naiwang bag ng pasahero, na naglalaman ng pera at tseke na nagkakahalaga ng P20 milyon.

Tumanggap ng pagkilala ang honesto driver na si Sofio Alo Jr., mula sa We Advocate Time Consciousness and Honesty (WATCH) program ng Apokon Elementary School.

Ibinaba umano ng driver ang pasahero sa isang bangko, at habang nag-aabang na ng bagong sasakay napansin ni Alo ang naiwang bag at nang alamin ang laman nito ay dito na tumambad ang pera at tseke.

Dahil sa kabutihang loob, nabigyan ng P1,000 gantimpala si Alo. Bukod dito, binigyan din siya ng nasabing paaralan ng personal hygiene kit at school supply.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.