Una sa Balita

Tricycle driver inasinta sa ulo

By ,
0 1

Patay ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin sa ulo at katawan ng tatlong lala­king hindi pa nakikilala, kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ni PO3 Ro­derick O. Magpale, im­bestigador ng Manila Police District – Homicide Section, ang biktimang si Mark Yamson Alquero, 28, residente sa 514 Calabash St., Sampaloc, Maynila.

Habang ang tatlong lalaking suspek na armado ng mga baril, ay tumakas matapos ang pamamaril sa biktima.

Nabatid na dakong alas-7:15 ng gabi, habang nakatambay ang biktima katabi ang kanyang traysikel sa kalye ng Calabash nang lumapit ang mga armadong suspek at ilang beses na pinaulanan ng bala si Alquero, bago tumakbo sa kalye ng G. Tuazon at tumakas.

Dead-on-Arrival na nang dalhin ang biktima­ sa ospital ng United Doctors Medical center (UDMC) dahil sa tama ng bala sa ulo at katawan.

Inilipat naman ng kanyang mga kamag-anak ang bangkay sa St. Mark Funeral Homes para sa awtopsiya.