Una sa Balita

Tribo sa Batangas hiling na ‘wag silang husgahan

0 238

abante-paistaran-dondon-serminoMadumi at mga mangmang ang madalas na tingin ng mga tao sa mga taga-tribo dito sa Pilipinas. Kaya nga hiling ni Pawjiya Bayani, isang Sama-Badjao, na sana ay kilalanin muna sila bago husgahan.

Ang kanyang tribo ang naging paksa ng dokumentaryong “Tribu sa Siyudad” ng mga estud­yante mula sa University of Batangas na sumali sa Class Project Inter-collegiate Mini-documentary Contest ng Knowledge Channel.

Sampung minuto mula sa lungsod ng Batangas, naninirahan ang mga taga-Sama Badjao. Ngunit kahit ganu’n kalapit ay tila napag-iwanan na sila ng panahon sa gawang kawayan nilang mga bahay.

Ayon nga sa research, ang mga ninuno ni Pawjiya ay mga illiterate o hindi man lang ma­kabasa o makasulat. Kaya naman ang na­ging solusyon nito ay ang pagkakaroon ng day care center.

Isa nga si Pawjiya sa mga volunteer na nagtuturo sa mga bata sa kanyang tribo. Bukod sa pagtuturo, patuloy pa rin siyang nag-aaral para sa pangarap na matulungan hindi lamang ang kanyang pamilya ngunit pati ang kanyang tribo. Panoorin ang dokyu na ito sa iWant.

Nakakabilib nga ang kanyang hangarin na hindi niya tinatalikuran ang kanyang tribo bagkus siya ay nagsasakripisyo para na rin sa ikaaahon ng kanyang mga kasamahan. Hangarin niya kasi na hindi na lang sila makilala bilang mga nanglilimos lamang dahil tulad ng ibang tao ay may pangarap din sila.

Sana nga marami pa ang gumaya sa kanya at sa kanyang mga hangarin para na din matigil ang maling konotasyon sa mga tulad niyang Sama-Badjao.

KIM NAIYAK NANG MAKITA SI TITO BOY

Naluha ang “Momol Nights” star na si Kim Molina nang makaharap niya ang King of Talk na si Boy Abunda sa “TWBA” noong Huwebes ng gabi.
Hindi nga makapaniwala si Kim na mai-interview na siya ni Tito Boy at nasa palabas na siya nito.

Ayon kay Kim, sabi ng kanyang ina na hindi pa daw siya artista hanggang hindi siya nai-interview ni Tito Boy.

“Sa tuwing nagsasabi ako kay Mama na may serye ako, sasabihin niyang ‘hindi ka pa artista, hindi ka pa na-interview ni Boy Abunda.’”

Tila bumuhos nga ang blessings sa buhay ni Kim dahil bago pa ang “Momol Nights,” una na siya nakilala bilang Billet sa “The General’s Daughter” at Savannah naman sa trending serye na “Kadenang Ginto.”

Binahagi nga niya na palagi raw siyang tinatawag na mga taong Savannah tuwing nakikita siya ng mga ito sa mall.

Noong nagpunta pa nga siya ng Coron ay may lumapit sa kanilang tao na minura-mura siya dahil nga sa karakter niya bilang ang sulsulerang bestfriend ni Daniela na ginagampa­nan ni Dimples Romana sa hit afternoon serye.

Ang mga katulad ni Kim ay inspirasyon sa mga nagsisimulang maging artista na kapag nagsipag ka ay malayo ang puwede mong marating.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy