Una sa Balita

Tres pamatay ng Gilas sa World Cup — Guiao

0 814

“WHEN we’re shooting well, we win games. When we’re shooting­ well, it becomes a little bit easier to win games.”

Ito ang ipinunto kahapon ni Gilas Pilipinas coach Yeng Guiao kaugnay sa tsansa ng kopo­nan sa paparating na 2019 FIBA World Cup.

“That’s exactly true in the tune-up games that we played. Nung Sunday ang sama ng shooting natin, hindi natin tinalo ang Australia. First time, maganda ang shooting natin, tinalo natin sila,” kuwento ni Guiao sa Phili­ppine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Amelie Hotel- Manila nitong Martes kung saan ay kasama niya ang player na si Gabe Norwood at team mana­ger na si Gabby Cui.

Ganito rin ang paliwanag ni Guiao sa 10-day training camp ng koponan sa Guadalajara at Malaga.

“It’s the same way in Spain. The only bad game we played was the game against Congo when we shot really bad from the outside. But the three games that we won in Spain, we were really shooting well,” sabi pa ni Guiao.

Kamakailan ay nilabas na ang official 12-man roster ng national team na binubuo nina Andray Blatche, June Mar Fajardo, Troy Rosario, Japeth Aguilar, Pogoy, Norwood, Mark Barroca, Paul Lee, Raymund Almazan, nagbabalik na si Kiefer Ravena, at Gilas newcomers Robert Bolick at CJ Perez. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More