Una sa Balita

Tres ni Butler nagpanalo sa Sixers paandar!

By
0 443

PINANGATAWANAN ni Jimmy Butler ang bago niyang moniker: Jimmy Buckets.

Pumuwesto si Butler sa isa sa paborito niyang spots sa court, at alam na ng mga kakampi ang mangyayari.

Nagsalpak si Butler ng 3-pointer 2.3 seconds na lang para itulak ang Philadelphia 76ers sa 127-125 panalo kontra Brooklyn Nets Linggo ng gabi.

“Man, to tell you the truth it could have been anybody,” anang bagong salta sa Sixers patungkol sa pinakahuli niyang game-winner.

Tinapos ng bitaw ni Butler sa right wing – parehong tira na tumalo rin sa Charlotte sa overtime noong Nov. 17, ang rally ng Philadelphia mula 20 points down.

Tumapos si Butler ng 34 points at 12 rebounds, nagdagdag si Joel Embiid ng 32 points at 12 boards.

Game-time decision pa si Butler dahil sa inabot na sprained ankle kontra Cleveland Biyernes ng gabi. Pumukol siya sa 20 iba’t ibang spots.

Nasanay na si Embiid sa mga dramatic finish na paborito ni Butler, pero alam na mamadaliin ng teammate ang tira matapos mag-inbound ang Sixers 10.2 seconds na lang.

“He kept taking his time and I am like, ‘Are you going to freaking shoot the ball?’” wika ni Embiid. “He got to his spot and he made a big-time shot.”

Abante ang Brooklyn 68-54 sa half bago nag-rally ang Philadelphia.

Nagsumite ng 38 points, 8 rebounds at 8 assists sa Nets, may 31 points off the bench si Spencer Dinwiddie.

Lamang pa ang Nets 118-105 sa basket ni Dinwiddie 4:57 sa fourth nang magkasa ng 16-2 run ang Sixers at inagaw ang manibela 121-120 sa 3-pointer ni JJ Redick 63 seconds pa, unang lead ng team pagkatapos ibaon ni Embiid ang first two ng game.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy