Una sa Balita

Tren sa Australia nadiskaril, 2 patay

0 239

NASAWI ang dalawa katao nang madiskaril ang tren na may sakay na 153 pasahero sa pagitan ng Sydney at Melbourne.

Ayon sa BBC, nangyari ang insidente malapit sa Wallan, isang bayan sa Melbourne, noong Huwebes ng gabi, Pebrero 20.

Namatay sa pangyayari ang 54-anyos na lalaking driver ma­ging ang 49-anyos na babaeng co-pilot niya habang 11 pa ang nagtamo ng minor injuries.

Iniimbestigahan na ang sanhi ng insidente pero tinitingnan ang kondisyon ng riles nang mga oras na iyon.

Limang bagon pati na locomotive ang ­natanggal sa riles ng tren.

Isang netizen ang nagbahagi ng litrato ng naaksidenteng tren sa Twitter.
“The day got worse. The train crashed. We’re fine,” sabi ni @Rickard_Scott. (IS)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More