Una sa Balita

Tren ng Sokor, NoKor planong pagdugtungin

0 340

Nagpadala ang South Korea ng mga engineer at ilang opisyal sa North Korea upang simulan ang landmark joint survey para konektahin ang mga riles ng dalawang bansa.

Sa kabuuang 18 araw, magsasama ang dalawang bansa para suriin ang 400 kilometrong railroad section sa pagitan ng Kaesong at Sinuiju, at 800 kilometrong riles sa eastern coast, para sa posibleng pagdudugtong ng kanilang railway system.
Ito ang isa sa naging kasunduan nina North Korean leader Kim Jong Un at presidente ng South Korea na si Moon Jae-in sa isinagawa nitong pagpupulong.

Mamarkahan ng joint survey ang unang beses na pagpasok ng tren mula South Korea patungong North Korea. Magkakaroon ng groundbreaking ceremony bago matapos ang taon para sa ambisyon na pagdugtu­ngin ang kanilang mga riles at kalsada batay na rin sa naging kasunduan.

Kasama din sa plano ng dalawang bansa na tuluyang sirain ang 20 front-line guard post at alisin ang mga land mine sa kanilang border area upang masimulan ang unang joint-search sa mga namatay na sundalo noong Korean war.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More