Una sa Balita

Tren ng LRT-1 nagliyab sa Blumentritt Station

0 204

Bahagyang nagkaroon ng tensiyon sa Blumentritt Station ng Light Rail Transit 1 matapos magliyab ang isang papara­ting na coach kamakalawa nang hapon sa Maynila.

Nabatid na pasado alas-singko nang hapon nang maganap ang insidente.

Wala namang nasaktan sa naganap na insidente at hindi naman nakaapekto sa operasyon ng LRT-1 at kaagad rin na na-pullout ang tren.

Ayon sa pasahero na si Da­niel Nobleza, naghihintay sila ng tren sa Blumentritt Station nang makaamoy sila ng tila nasusunog na wire sa dumarating na tren.

Nalaman na paghinto umano ng tren ay agad nagliyab ang ilalim na bahagi nito kaya pinalayo ang mga pasahero.

Sinabi naman ni Rochelle Gamboa ng LRT-1 na nagmula sa underbody o sa ilalim ng tren ang usok na napatay naman sa loob lang ng apat na minuto.
Kahapon ay nalaman na may 28 tren ng LRT-1 ang bumiyahe.

Nauna nang naiulat ang mga nangyayaring aberya sa operas­yon ng MRT na nagresulta ng madalas na pagkatigil ng operas­yon habang kamakailan lamang ay nagkabanggaan naman ang dalawang tren ng LRT-2 na ikinasugat ng ilang pasahero. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy