Una sa Balita

Tren nadiskaril sa Congo, 50 tepok

0 190

TINATAYANG nasa 50 katao ang nasawi at 23 iba pa ang sugatan matapos na madiskaril ang isang tren sa Democratic Republic of Congo kamakalawa.

Ito ang kinumpirma ng Minister of Humanitarian Affairs ng Congo.

Sa ulat, alas-tres ng umaga nang mangyari ang aksidente sa bayan ng Mayibaridi sa probinsya ng Tanganyika.

Agad namang nagpaabot ng pakikiramay sa mga biktima si Humanitarian Affairs Minis­ter Steve Mbikayisi.

“Another catastrophe! On behalf of the government, I offer condolences to the fami­ly who have suffered,” bahagi ng mensahe sa twitter ni Mbikyai.

Samantala, hindi pa matukoy ang sanhi ng aksidente pero marami nang kahalintulad na pangyayari ang naitala sa Congo nitong mga nakalipas na buwan kung saan ay isang tren din ang sangkot na ikinamatay naman ng may 24 katao na karamihan ay mga bata.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy