Una sa Balita

Tree planting peg sa birthday ni yorme

0 331

ABANTE MO

Kakaibang pagdiwang ng kaarawan ang ginawa ng mayor ng Magallanes, Sorsogon.

Imbes na isang engrandeng handaan ay tree planting ang trip ni Mayor Augusto Tito Mella Ragragio para gunitain ang kanyang ika-65 na kaarawan nitong Agosto 19.

Nagtanim siya at ang ilang kasamahan ng 65 puno sa Magallanes, Sorsogon.

Native na mga puno ang kanilang itinanim sa tulong ng kanyang maybahay na retired professor ng botany sa Manila Campus ng University of the Philippines na si Dr. Elena M. Ragragio na siya mismong nagpatubo sa mga buto ng ilang-ilang, kamagong, lipote, narra, bangkal, at talisay na kinolekta niya at pinatubo nu’ng isang taon pa.

Importante ang pagtanim ng mga native na mga puno dahil mas malaki ang pagkakataon nitong mabuhay sa lugar at nakakatulong ito sa ecosystem sa isang lugar.

Dahil medyo nakakapagod maghukay at magtanim, nagpapansit din naman si mayor. (Eileen Mencias)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy