Una sa Balita

Treasure hunting sa Calauag ipinatigil

By
0 186

Ipinatigil na ng lokal na pamahalaan ng Calauag at ng Provincial Mining Regulatory Board (PMRB) ang ginagawang treasure hunting sa loob ng bahay ng isang Katherine Nubla sa Barangay Poblacion 2, matapos may maganap na pagsabog dito noong Linggo, November 19.

Ayon kay Webster Letargo, head ng Quezon PMRB, kinordon na nila ang paligid nito at kumuha na rin sila ng search warrant para hindi na maipagpatuloy pa ni Nubla ang pagpapahukay sa butas na nasa loob ng kanyang bahay.

Matagal nang inerereklamo ng mga taga-Calauag ang ginagawang umanong mining sa nasabing lugar na isang residential area na itinatago bilang treasure hunting activities.

Ayon sa mga residente, umaabot na sa 421 feet ang lalim ng hukay at mayroon pa umano itong tunnel sa ilalim.

Mayroon na din umanong isang manggagawang­ namatay dito noong September subalit itinago ng may-ari ang pangyayari.

Posible rin umano itong magdulot ng pagguho sa mga kalapit lugar ng pinagmiminahan kung saan unti-unti nang nagkakabitak ang mga kalsada.

Ayon naman kay Letargo, 2014 pa nakarating sa kanila ang reklamo subalit di nila ito mapakialaman dahil sa mayroon umano itong permit mula sa National Museum.

Nito lamang magkaroon ng pagsabog nagkaroon umano sila ng dahilan para maipatigil ito.

Pinag-iisipan nila ngayon ang gagawing rehabi­litasyon sa butas kung paano ito matatabunan ma­ging ang mga tunnel nito sa loob na may kahirapang gawin dahil sa pinasok na umano ito ng tubig mula sa katabing dagat.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy