Una sa Balita

Travis masayang nasa kangkungan ang Warriors

0 473

“I cant lie. Seeing the Warriors struggle brings me great joy.”

Tweet ‘yan ni Romeo Travis, ang import ng Magnolia sa PBA Governors Cup.

Madaling intindihin si Travis, dahil high school buddies sila ni LeBron James.

Siyempre, kung nasaan si LeBron ay doon din nakataya si Travis.

Dati, Golden State ang most hated team sa NBA.

Bakit?

Dahil limang sunod silang nasa NBA Finals, nag-kampeon sa tatlo. Five straight Western Conference champions ang Warriors, kaya ang fans ng West teams – at ng tinatalo nila sa East – ay galit sa kanila.

Pero nawala kay coach Steve Kerr sina Kevin Durant (free agency), Andre Iguodala (trade) at Shaun Livingston (retired), sidelined pa sa injuries ang mga naiwang sina Steph Curry, Klay Thompson at Draymond Green. Kaya marami ang natutuwang fans na nasa kangkungan ang Warriors – 2-7 sa kasalukuyan.

Kasama doon si Travis.

Dahil sugatan ang Warriors at mukhang hindi makakabawi, may bagong kontrabida sa NBA. Base sa Twitter analysis ng sportsinsider.com ay ang Los Angeles Lakers ang bagong villains.

Most-hated ang Lakers dahil kina LeBron at bagong acquisition na si Anthony Davis. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More