Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Travel ban pinalawig, dayuhang may exemption puwede na

0 57

Ang mga dayuhan na nabigyan ng entry exemption bago ipatupad ang travel ban nakaraang buwan ay maaari nang pumasok sa Pilipinas, ayon sa Bureau of Immigration (BI).

Sa isang advisory na inilabas ni BI Commissioner Jaime Morente ang mga dayuhan na may entry exemption documents na inisyu ng Department of Foreign Affairs (DFA) bago ang Marso 22, ay pinapayagan na pumasok sa bansa sa panahon ng pagpapatupad ng mga paghihigpit sa paglalakbay, na pinalawig hanggang Abril 30.

Ang binagong panuntunan ay alinsunod sa pinakabagong resolusyon ng Inter-Agency Task on the Management of Emerging Infectious Diseases.

Binigyang-diin ni Morente na ang iba pang mga dayuhan ay pinagbabawal pa ring pumasok sa Pilipinas at ang pribilehiyo ng balikbayan ay nananatiling suspendido. (Mina Navarro)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.