Una sa Balita

Travel agency kasabwat sa pamemeke ng Chinese visa

0 233

SINUSPINDE ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ang accreditation ng isang agency matapos isumbong sa pamemeke ng mga visa.

Ang agency, na hindi pinangalanan habang nagsasagawa ng imbestigasyon ay pinagsusumite ng written explanation kung bakit hindi maaaring kanselahin ang kanyang accreditation at ang cash bond nito ay hindi mawalan ng saysay.

Ayon sa BI, natuklasan nila na may mga ebidensiya ­laban sa ahensiya na may mga pinayagan silang mga ­Chinese national na makakuha ng visa upon arrival (VUA) sa ­pamamagitan ng pandaraya, at maling impormasyon.

“We received a report from our men stationed at the airports that they have intercep­ted a number of Chinese nationals who showed fake VUA orders,” ani Morente. “What these illegals do not know is that we have incorporated VUA records in our computer systems since early last year, hence visas are immediately verified upon presentation to the officer,” dagdag pa nito.

Ibinahagi ni Morente na nagsagawa sila ng mga ­mahigpit na hakbang upang matiyak na hindi mangyayari ang ­pamemeke sa mga VUA, kasunod ng mga pangamba mula sa publiko hinggil sa mga pagbibigay sa nasabing visa. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More