Una sa Balita

Tratter dumiskarte para makatulong sa Laguna

0 365

SA sarili niyang paraan, nagparating din si Abu Tratter ng Alaska ng tulong sa mga naapektuhan ng coronavirus.

Nasa bahay lang ang 6-foot-5 center/forward habang kanselado ang Philippine Cup ng PBA.

“Can’t sit still and be sheltered in my little bubble while I see/hear about these people suffering so I’m preparing my first box of relief goods to feed 50 families here in my barangay in Laguna, the fight against hunger was here before the pandemic and going to be here after,” anang 27-anyos na Fil-Am.

Nasa photo ng dating La Salle cager ang box ng mga nakasupot na goodies na kanyang ipamimigay.

“It’s our responsibility to take care of those less fortunate, no matter how small you think it is!” dagdag ni Tratter, 7th pick ng NLEX Road Warriors noong 2018.

‘Bittersweet’ si Tratter nang malaman na kinansela ang torneo noong March 11, pangalawang playdate ng Season 45. Hindi pa nakakalaro sa season ang Aces, debut sana nila noong March 13 kontra Columbian.

Para sa kapakanan ng lahat, suportado niya ang move na kanselahin ang mga laro.

“I felt bittersweet because my teammates and I have been working so hard for the past months to be real contenders in not only today’s postponed game agaist Columbian but also the rest of the league,” pahayag noon ni Abu. “But I feel that the PBA made a very smart move to postpone the games not only to stop the further spread of the virus but also since basketball affects so many lives in our country.” (VE)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More