Una sa Balita

Traslacion tumagal nang 21 oras – MPD

By
0 349

NASA mahigit 4 mil­yong deboto ang lumahok sa ginanap na Traslacion 2019 na tumagal nang 21 oras at pitong minuto bago naipasok sa Manor Basilica ang imahen.

Sinabi ni Manila Police District (MPD) director PSSupt. Vicente Danao na sa pangkalahatan ay naging mapayapa at maayos ang ginanap na Traslacion.

Nabatid na alas-2:21 ng madaling-araw nang maipasok ang imahen ng Poong Itim na Nazareno sa simbahan.

Ipinagmalaki nina Danao at NCRPO Director Guillermo Eleazar na walang nasawi sa naganap na Traslacion maliban sa isang mandurukot na naaresto.

Gayunman, inabot ng mahigit sa 1,000 katao ang binigyan ng paunang lunas ng Phi­lippine Red Cross (PRC) matapos na mahilo, mahirapang huminga, tumaas ang blood pressure at masugatan.

“We are not really concerned about the travel time kasi our consideration is pagiging tahimik at maayos. They (devotees/hijos) owned this activity/program. Naging maayos dahil lahat ng concerned agencies ay ginawa nila ang kanilang mga assignments dito,” ayon kay Eleazar.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy