Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Traslacion ng Itim na Nazareno tablado uli

0 36

Wala umanong magaganap na Traslacion 2022 sa kapistahan ng Mahal na itim na Nazareno sa Enero 9,2022.

Ito ang nabatid kay PLt. Col John Guagui, station commander ng Manila Police District-Police Station 3 matapos ang pakikipagpulong sa mga lider ng Manor Basilica bilang paghahanda sa kapistahan ng Poon ng Itim na Nazareno.

Ang ipatutupad na plano sa kapistahan ng Itim na Nazareno ay katulad rin nang ginawa noong Enero 9,2021 dahil nasa ilalim pa rin ang Pilipinas sa COVID-19 pandemic.

Wala rin umanong pahalik nagagawin sa Quirino Grandstand kundi “Padungaw” lamang sa Sta. Cruz Church.

Ayon kay Guagui, dahil walang magaganap na Traslacion, tiyak na maraming misa ang magaganap dahil na rin sa pinaluwag na alert level kung saan posibleng mailagay sa alert level 1 dahil na rin sa patuloy na pagbaba ng kaso nh COVID-19. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.