Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Trapiko bumigat sa SONA

0 73

Bumigat ang daloy ng trapiko kahapon sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa kabila ng pagpapatupad ng no-rally zone sa panghuling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa Philippine National Police (PNP).

“Magkakaroon ng traffic, congested ang traffic sa kapaligiran kagaya ng ina­asahan, kaya pakiusap natin sa kanila, huwag nang dumaan dito para hindi na makadagdag sa pagsikip ng daloy ng trapiko,” pahayag ni PNP chief Guillermo Eleazar sa kanyang personal na pag-iikot sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Lunes ng umaga.

Ayon kay Eleazar, pinayagan ng Quezon City LGU ang mga magsasagawa ng kilos-protesta sa kahabaan ng bisinidad ng University of the Philippines, Commission on Human Rights, hanggang kahabaan ng National Housing Authority.

Una nang nagpalabas ng mga alternate route ang Quezon City Police District sa mga apektadong motorista.

Humihingi naman ng paumanhin si Eleazar sa mga apektado ng traffic re-routing para sa huling SONA ni Duterte.

Samantala, Lunes ng tanghali at sa datos ng awtoridad ay umabot na sa 2,750 ang mga raliyista mula sa iba’t ibang grupo na nasa kahabaan ng Commonwealth Ave­nue, partikular sa harapan ng Iglesia ni Kristo kung saan sila nagtayo ng stage para sa kanilang programa. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.