Una sa Balita

Trapik malapit nang maresolba – Andanar

0 18

Tanggap ng Malacañang na hindi madaling solusyunan ang tumitin­ding problema sa mabigat na daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na wala talagang ‘silver bullet solution’ sa mabigat na trapiko partikular sa EDSA pero tiwala siyang malapit na itong maresolba dahil sa patuloy na pagsisikap at pagpaplano ng pamahalaan.

Sinang-ayunan naman ni Andanar ang panukalang mailipat sa labas ng Metro Manila ang ilang national government offices para ma-decongest ang siksikan nang Kamaynilaan.

Isa sa mga solusyon ng Duterte administration sa problema sa trapiko ang pagpapagawa ng subway train mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) hanggang sa Quezon City na aabutin ng 2025 pero ayon kay Andanar ay hangad ni Department of Transport­ation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na magawa ito bago matapos ang Duterte administration para agad na maramdaman ng publiko ang magandang dulot nito.