Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Transport group atras sa taas-pasahe

0 231

Matapos ang isinagawang dayalogo, apat na transport group ang nakipagkasundo sa Department of Transportation (DOTr) na iatras ang petisyon para sa P1 na dagdag-pasahe sa jeep.

Ayon kay Pasang Masda national president Obet Martin, binalaan sila ni DOTr Sec. Art Tugade tungkol sa posibilidad ng inflation kapag nagtaas ng pamasahe sa kabila ng patuloy na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Bukod dito, inihayag umano ni Tugade na dinoble na ng pamahalaan ang fuel subsidy para sa mga driver at operator.

Sa Marso at Abril, tatanggap umano ang mga benepisaryo ng P13,000 kabuuang halaga para sa fuel subsidy.

Bukod sa Pasang Masda, ang iba pang transport group na nakipag-usap sa DOTr ay Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), at 1-United Transport Koalisyon (1-UTAK).

Ang petisyon na ilalarga sana ng mga transport group ay para itaas ang pamasahe sa jeep dahil na rin sa walang humpay na pagmahal ng presyo ng gasolina.

Sa ngayon, mananatili pa rin sa P9 ang minimum na pamasahe sa jeep. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.