Una sa Balita

Transgender recruits sa US Armed Forces, pinigil

By
0 4

Inaprubahan ni Defense Secretary Jim Mattis, ang anim na buwang paghinto sa recruitments ng mga ‘transgender’ para lumahok sa US Armed Forces.

Ayon kay Pentagon spokeswoman Dana White, tinanggap ni Mattis ang rekomendasyon na huwag munang tumanggap ng mga aplikanteng transgender hanggang sa Enero 1, 2018.

Nalaman na pinayagan na makapasok ang mga transgender sa US military noong 2016 sa ilalim ng administrasyon ni dating US President Barack Obama.

Nagdulot naman ng pagkaalarma sa mga transgender advocates ang desisyon sa ilalim ng administrasyon ni US President Donald Trump.

Nalaman na noong nakalipas na taon, may 2,500 transgender ang nasa aktibong nanunungkulan habang mayroon pang 1,500 reserve transgender service members ang US Armed Forces.