Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Transgender na sundalo natagpuang patay

0 140

Wala nang buhay nang matagpuan sa kanyang bahay ang kauna-unahang transgender na sundalo sa South Korea na si sergeant Byun Hui Su.

Batay sa ulat, nakita ng fire department ang bangkay nito noong Marso 3 matapos makatanggap ng ulat mula sa National Mental Health Center na hindi siya makontak simula pa noong Pebrero 28.

Ayon sa mga awtoridad posible umanong matagal nang nasawi si Su dahil sa naaagnas na ang katawan nito. Wala diumanong nakitang suicide note sa lugar at iniimbestigahan pa ng pulisya ang sanhi ng pagkamatay nito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pumasok sa military si Su noong Marso 2017 at noong 2019 ay sumailalim siya sa gender reassignment sa Thailand matapos umano niyang makaranas ng depresyon dahil sa gender identity.

Kasunod nito, na-dismiss siya sa military dahil umano sa kanyang mental at physical disability para gampanan ang tungkulin, gayunman naghain ng reklamo si Su para makabalik siya sa serbisyo, nakatakda sana sa Abril ang unang hearing nito.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.