TRANGKO INAGAW NI MORALES

By

UNISAN, Quezon — Walong stages ang binuno ni defending champion Jan Paul Morales ng Navy-Standard Insurance upang masungkit ang overall leadership sa Stage Eight ng LBC Ronda Pilipinas 2017 edition kahapon na nagsimula sa Daet, Camarines Sur at nagtapos dito.

Pangalawang duma­ting sa meta si Morales, 31, nagtala ito ng apat na oras, 30 minuto at 39 segundo upang ungusan sa overall ang teammate na si Rudy Roque.

Wala sa top 10 ­riders na dumating sa finish line si 25-year-old Roque kaya lumagapak sa second sa overall.

May aggregate time na 28:55:16 si Morales, isang minuto at 53 segundong abante kay Roque nasa third ang isang Navy na si Ronald Lomotos.

“Maganda naging diskarte namin, alalay kay Roque muna, natupad ang plano namin,” saad ni Morales.

Ayon pa kay Morales nakita niyang ­maiiwanan si Roque kaya napilitang gumalaw ito para ­hindi mawala sa kanila ang Nos. 1, 2 at 3 sa overall sa event na nakalaan ang P1 milyong premyo sa magkakampeon mula sa presentor LBC,  MVP Sports Foundation, Petron, ­Mitsubishi, ­Versa.ph, Partas, Maynilad, ­Standard Insurance, CCN, Bike Xtreme, NLEX, PhilCycling at 3Q Sports Event ­Management.

Umakyat sa No. 4 sa overall si Jonel ­Carcueva ng Go for Gold habang nasa fifth si Cris Joven ng Kinetix Lab-Army.

Unang tumawid ng finish line si Navy rider Jay Lampawog, ­nirehistro nito ang 4:29:29, ­tersero si Jaybop Pagnanawon Bike Extreme habang fourth at fifth sina ­Carcueva at Bryant Sepnio ng Go for Gold.

Ang ibang top 10 ­finishers ay sina No. 6 Reynaldo Navarro ng ­Kinetix Lab-Army, No. 7 Jigo Mendoza ng Go for Gold, No. 8 Ryan ­Serapio ng Team Ilocos Sur, No. 9 Ronnel Hualda ng Go for Gold at No. 10 ­Marvin Tapic ng ­Kinetix ­Lab-Army.

SHARE