Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Trak sumirko, 4 dedbol

0 133

Binawian ng buhay ang apat na katao matapos sumirko ang isang trak na kargada ng mais sa Barangay Apelo, Sara sa Iloilo, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang nasawi na sina Henry Diyan Jr., 35-anyos, driver ng trak at pahinante nitong si Rey Sinoy, 25.

Kasama ring namatay sina Romualdo Norsan, 30, at Jaime Ciudad, na noo’y natutulog sa isang dryer facility nang salpukin ng nagwalang trak.

SM food to go Banner Ad

Sa report, madaling-araw ng Biyernes habang mabilis ang takbo ng trak na puno ng mais ay nawalan ng kontrol sa manibela ang driver dahil na rin sa bigat ng karga nito.

Kasunod noon ay sumirko na ang trak at bumangga sa kinaroroonan nina Romualdo at Jaime, na sinasabing nahirapan pang i-rescue matapos mabaon sa trak at matabunan ng mais.

Isinugod pa ang mga ito sa pagamutan pero di na umabot ng buhay.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.