Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Trak ng basura hinarang: driver, helper dinampot

0 139

INARESTO ng Cavite Police ang isang driver at helper ng isang dump ruck matapos mabuking na mga basura na itatapon ang laman ng kanilang sasakyan pero walang kaukulang permiso sa Tanza, Cavite

Kasong paglabag sa Sec. 48 Para 13 (Ecological Waste Management Act) ang kinakaharap ng driver na si Eduardo Sarzuelo, 48, at helper nito na si Benjie Saparco, 27, dahil sa reklamo ng Tanza Municipal Enviroment ang Natural Resources Office (MENRO)

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ulat ni Corporal Nikko Paul Barranco ng Tanza, Municipal Police Station, alas-7:30 kamakalawa ng gabi nang parahin ng Tanza Office of Public Safety (TOPS) ang isang dump truck na may plakang NEJ 4966 na minamaneho ni Sarzuela dahil sa paglabag nito ng batas trapiko (Disregarding Traffic Officer) sa Anteo Soriano Highway, Brgy Bucal, Tanza, Cavite.

Nang hingan ng lisensiya si Sarzuela, at siyasatin ang truck ay naglalaman ito ng tinatayang 34 cubic meter na mga basura.

Nang hingan ng dokumento ay walang naipakita si Sarzuela dahilan upang arestuhin kasama ang kanyang helper at maging ang minamanehong sasakyan. (Gene Adsuara)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.