Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Trak nagliyab sa EDSA

0 131

Tinupok ng apoy ang isang 12-wheeler truck sa bahagi ng EDSA Southbound sa Cubao, Quezon City nitong Sabado ng hatinggabi.

Galing umano sa Montalban ang truck na may dalang graba at minamaneho ni Rolly Cabuyag. Dadalhin sana ito sa Pasig City pero biglang umusok at umapoy ang sasakyan habang binabagtas ang nasabing daan.

Hindi na kinaya ng fire extinguisher ang apoy na lumaki pa hanggang masunog na ang unahang bahagi ng trak.

Rumesponde naman ang mga bomber na agad inapula ang apoy. Pansamantala ring sinara ang bahagi ng EDSA Main Avenue station kung saan huminto ang trak.

Dahil sa insidtente, tumagal ng isang oras ang pagsara sa Main Avenue station.

Wala namang tinamong pinsala ang driver at pahinante nito. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.