Una sa Balita

Trak na may LPG lumambitin sa San Juanico Bridge

0 241

Maswerteng hindi tuluyang nahulog sa San Juanico Bridge sa bahagi ng Samar ang isang delivery truck na may dalang mga tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) kahapon nang umaga.

Sa nakalap na ulat, galing umano ang driver na kinilalang si Arnold Severino mula sa Tacloban City at papunta sana sa Marabut, Samar.

Nang dumating na umano sa bahagi ng tulay ay natanggal ang manibela ng truck na dahilan para bumangga ang sasakyan sa railing ng tulay. Napagana pa ng driver ang preno ng truck kaya naman hindi ito tuluyang nahulog.

Rumesponde naman ang 805th Maneuver Company of the Regional Mobile Force Battalion na nakatalaga sa lugar para matulungan si Severino at pahinante nito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy