Una sa Balita

Training, trabaho para sa 20K kabataan

0 820

Bilang pinuno po ng Senate Committee on Youth at Committee on Labor, ikinagagalak po nating ibalita sa inyo ang bagong programang magbibigay ng training at trabaho sa kabataang unemployed at out-of-school.

Sa pagtutulungan ng Philippine Business for Education (PBED) at United States Agency for International Development (USAID), inilunsad po noong isang linggo ang 5-year public-private partnership prog­ram para sa work-based training at employment ng 20,000 kabataan.

Nagkaloob po ang USAID ng 1.8 bilyong pisong pondo para sa prog­rama. Katuwang ang YouthWorks PH, pagkakalooban po ng training sa loob mismo ng mga kompanya ang mga bene­ficiary at financial support mula sa mga partner company.

Pagkatapos ng training, mabibigyan ng pagkakataong maging full-time o regular na empleyado ang mga kuwalipikadong kabataan.

Magsasagawa po ng recruitment ang PBED, USAID at YouthWorks ngayong Mayo hanggang Setyembre sa Makati, Iloilo, Cebu, Bohol, Gene­ral Santos City, Zamboanga, Cagayan de Oro at Davao.

Suportado po natin ang adhikaing pag-ugnayin ang training at trabaho kaya’t patuloy po tayo sa paghahanap ng solusyon sa job-skills mismatch.

Sinimulan po natin ito sa pag-ukit ng Philippine Qualifications Framework (PQF) na ganap nang maipapatupad ngayon matapos pong magkabisa ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng PQF Law noong ika-12 ng Mayo.

Isinusulong din po natin ang Senate Bill No. 208 o ang ‘Enterprise-Based Training Bill’ para pala­kasin ang kasaluku­yang apprenticeship at dual training program sa bansa.

Napatunayan na po natin ang potensyal ng enterprise-based training sa pagbibigay ng trabaho sa ating mga kababayan.

Siyam sa kada 10 trai­nee po natin noon sa TESDA ang agad nabigyan ng trabaho matapos ang training na ginawa mismo sa loob ng mga kompanya sa industriya ng BPO at semi-conductor and electronics.

Kaya’t nagpapasalamat po tayo sa mga pribadong organisasyon tulad ng PBED at mga donor agency tulad ng USAID sa pagkomplemento sa work-based training at employment program ng ating pamahalaan.

Job Fair Schedule:

MMSU Job Fair—Mariano Marcos State University—Paoay, Ilocos Norte—May 20

PESO San Jose Job Fair—Brgy. Sta. Cruz, San Jose, Dinagat Islands—May 22

PESO Malabon Job Fair—Robinson’s Town Mall, Malabon—May 23

PESO Malalag Job Fair—Rizal Park, Malalag, Davao del Sur—May 24

Panabo Job Fair—University of Mindanao, San Francisco—Panabo City—May 25
(senatorjoelvillanueva@yahoo.com)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy