Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Training ni Kai dibdiban boy dakdak!

0 1,276

BINIGLA ni Pinoy NBA prospect Kai Zachary Sotto ang mga netizen nang magpasiklab ito ng mga monster dunk sa isang training pick-up game sa States.

Sa Instagram post ng sports network na Overtime ay makikitang nilalamon ni 18-anyos PH cager Sotto ang kanyang mga kalaban matapos gumawa ng ilang highlight at posterized dunk.

Habang tumatagal ay makikita rin sa mga video niya ang malaking improvement at pasiklab na de-kalibre na ito at pahilera na sa NBA.

Bukod sa dibdibang mga dakdak ay kapansin-pansin rin ang tattoo nitong mala-sleeve sa kanyang kanang braso.

SM food to go Banner Ad

Naging kuwestiyonable tuloy ito sa mga netizen ngunit klinaro naman ni dating Ateneo star Sotto na peke lamang ang ‘ink’ at mawawala rin.

Magugunitang nagkamit ito ng isang kampeonato sa sinalihan niyang liga/ training center sa Atlanta na ‘The Skill Factory’.

Dahil marami ang elibs sa kanyang talento at tiwala na magagawang armas niya ang kanyang tangkad na 7’2”, nakatakda na itong maglaro sa NBA G-League.

Makakapaglaro na sana sa G-League si Kai pero pansamantala itong naudlot dulot ng pandemic outbreak. (Aivan Episcope)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.