Una sa Balita

Training curriculum ng trainers at jockeys, aprub sa Philracom

0 5

Na-finalize na ng Phi­lippine Racing Commission ang curriculum para sa two-year training course ng mga jockey at trainers na layuning i-professionalize at i­taas ang antas ng kanilang kaalaman.

Noong Marso 9, i­naprubahan ng komisyon ang nasabing training course na magkakaloob ng ‘basic know­ledge on horsemanship at horse conditioning’ sa pamamagitan ng classroom lectures at hands-on training.

Ang course ay binu­buo ng mga sumusunod: Equine anatomy and conformation, equine health and disease management, equine nutrition, stable management, horse fitness and development, the legal aspects of animal welfare, and rules and regulations of horseracing (licensing and stud book).

Ang praktikal na aspeto ng training ay makukumpleto sa pamamagitan ng mandatory apprenticeship, na nangangaila­ngan ng araw-araw na pag­sabak sa racing ope­rations – – trainers through observation and practice, and jockeys through ri­ding exercises.

Nakikipag-coordinate na rin ang Philracom sa Techncial Education and Skills Development Authority para sa official accreditation ng course, upang ang mga gra­duates ng nasabing course ay maaaring makapag­trabaho sa ibang bansa, lalo na para sa ASEAN intregration.

Para sa ibang de­talye, tumawag sa 843-0971 or kaya’y mag-logon sa philracom.­gov.ph.