Una sa Balita

Trainer plane nawawala sa Occidental Mindoro — CAAP

0 256

PINAGHAHANAP ngayon ang isang trainer plane na may sakay na Filipino pilot at Saudi-Arabian student-pilot sa Occidental Mindoro, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Sa isang radio interview, sinabi ni CAAP spokesman Eric Apolonio na ang twin-engine Beechcraft Baron aircraft ay nag-take off bandang alas-8:30 ng umaga noong Biyernes sa San Jose Airport in San Jose, Occidental Mindoro.

Ang eroplano na ino-operate ng Orient Aviation Corp., ay huling nakita sa layong 16 nautical miles sa katimugan ng San Jose.

Tatlong grupo mula sa Philippine Air Force ( PAF), Philippine Navy (PN) at Philippine Coast Guard (PCG) ang naglunsad ng search and rescue operation. Isa pang private jet ang tumulong sa paghahanap sa nawawalang eroplano.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy