Una sa Balita

TRAIN sa SC hinarang ng Makabayan solons

By
0 1,331

Iginiit ng Makaba­yan solons na batbat ng iregularidad ang ginawang pagpapatibay ng Kamara sa tax reform package ng administrasyong Duterte.

Kahapon ay sumugod sa Supreme Court (SC) ang mga miyem­bro ng Makabayan bloc sa pangunguna nina ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate at Anakpawis Rep. Ariel Casilao at inihain ang petisyon para kontrahin at ipatigil ang implementasyon ng bagong tax law.

“Our petition is premised on the fact that the House blatantly violated the Constitution and its own rules in ratifying the Bica­meral Conference Committee Report of the Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) bill without a quorum and without a vote. Thus, we ask the Supreme Court to void the invalid House ratification and the overwhelmingly regressive TRAIN Law,” ayon sa pahayag ng Makabayan bloc.

Kapag pinaboran anila ng SC ang kanilang petisyon ay magbabalandra ito ng malakas na mensahe sa mga lider ng Kongreso na hindi pupuwedeng basta-basta na lamang mag-apruba ng isang batas kahit walang quorum at walang boto.

Kinakailangan umanong sundin ang isinasaad ng Konstitusyon lalo na ang panuntunan sa ratipikasyon.

“The success of this petition will delay the implementation of the TRAIN and give more time for the people to protest and exert pressure against the TRAIN’s anti-poor regressive taxes… even if the House leaders attempt to rectify the invalid ratification,” batay sa pahayag ng grupo.(