Una sa Balita

TRAIN Law ng mga Pilipino

By
0 6,306

Sa mga hindi mas­yadong nakakaintindi, ang bagong batas pambuwis ay tila pabigat sa mamamayang Filipino pero kung titingnan niyo nang malapitan marahil ay magbabago ang mga isip ninyo.

Ang TRAIN Law (batas sa usaping kasalukuyan) ay may tatlong importanteng karakter.

Una, pinalawig nito ang income tax classification. Ang kumikita ng P20,800 pababa kada buwan o P250,000 kada taon ay walang buwis. Karamihan ngayon ng mga mahihirap ay hindi na kailangan magbayad ng buwis.

Sa dating batas, ang kumikita ng P110,000 kada buwan tulad ng karamihang middle class ay nabubuwisan sa parehong halaga ng mga bilyonaryo.

Sa batas na ito, ang kumikita lang ng lampas P8,000,000 ang magbabayad ng pinakamataas na tax rate.

Pangalawa, pinupuntirya ng batas ang purchasing power bilang batayan ng tunay na kita. Ito ‘yung sagot sa mga tax avoi­dance skills ng mga Fi­lipino, ‘yung magaling magtago ng kita pero­ walang kawala dahil sa kanilang purcha­sing habits.

Mas mataas ang tax sa mga bagay na binibili ng mga mayayaman tulad ng kotse, luxury goods at produktong petroleum.

Mas mataas din ang tax sa mga bagay na hindi maganda sa kalusugan ng tao tulad ng asukal, sigarilyo, a­lak at iba pa.

Sa mga darating na araw, magiging mas mura ang produktong sugar-free. Pati ang mga cosmetics na dati ay walang buwis ay bubuwisan na ngayon.

Mas matataas din ang cosmetic procedures dahil tataas pa lalo ang tax nito. Bagay na mga mayayaman at maarte lamang ang magkakaproblema.

Pangatlo, tinataa­san ng batas ang pagbubuwis sa mga industriyang mapanira sa ating kalikasan. Ang laki ng pagtaas ng excise tax sa coal pro­ducts.

Ang mining industry ay isa sa mga industriyang matatamaan ng batas. Mas mataas din ang buwis sa metallic at non-metallic minerals.