Una sa Balita

TRAIN 2 matatrapik sa Senado

By
0 221

Nanindigan si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na hindi magiging prayoridad ng Senado ang ikalawang package ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act.

Maliit na suporta lamang sa Senado, ayon kay Zubiri ang ibinibigay nila para sa TRAIN 2 o kilala rin sa tawag na Tax Reform for Attracting Better and High-Quality Opportunities (Trabaho) bill

Paliwanag ng senador, hindi TRAIN 2 ang sagot na hakbang ng mayorya upang mapababa ang inflation rate ng bansa.

Sinabi rin ni Zubiri na mas mainam na pakalmahin muna ang kasaluku­yang 6.7% inflation rate bago pa gumawa ng mga tax measure o tax propo­sal ang pamahalaan.

“Hopefully, by next quarter, it would go down. I think we should sustain that momentum where inflation is going down before we come up with new tax measures or tax proposals that would scare off investors or pull out investors from existing companies in the Phi­lippines,” paliwanag ni Zubiri.

Nauna nang sinabi ni Senador Joel Villanueva na magiging ‘dead on arrival’ sa senado ang TRAIN 2 dahil malapit na ang halalan at magiging abala na ang mga senador sa pangangampanya.
“TRAIN 2 is dead on arrival dito with the ti­ming, when we come back we will tackle the budget and then election fever.

Hindi rin umano kuntento ang mga senador sa paliwanag ng mga economic manager kung bakit kinakailangan pang pagtibayin ang ikala­wang package ng TRAIN.

Dahil sa TRAIN Law, tumaas ang buwis sa petrolyo, sasakyan at iba pang bilihin. Kapalit nito, hindi na pinagbabayad ng buwis ang mga kumikita ng P250,000 kada taon.