Una sa Balita

TRAIN 2 mamadaliin ni Gloria sa Kamara

By
0 212

Tiniyak ni House Spea­ker Gloria Macapagal-Arroyo ang agarang pagpapatibay ng ikalawang package ng tax reform program na siyang magbabawas sa insentibong tinatamasa ng mga investor.

Sa isang statement, nanindigan si Arroyo na hindi naman ang mga incentive ang tinitingnan ng mga investor para magnegosyo sa bansa kundi ang infrastructure at ang bilis ng proseso ng pagsisimula ng negosyo.

Ginawa ng Spea­ker ang pahayag dahil sa pangamba ng marami na ang panukalang Tax Reform for Attracting Better and High-quality Opportunities (TRABAHO), ang bagong pangalan ng package 2 ng TRAIN Law, ay maaaring maka-turn off sa mga investor dahil aalisin dito ang mga insentibo, lalo na yung may operasyon sa mga free port at economic zone.

Abante Hiring – IT dep

Noong Huwebes, nakipag-usap si Arroyo sa mga locator ng Freeport Area ng Bataan upang klaruhin ang mga suliranin sa panukala. Kasama sa pulong sina Rep. Dakila Cua, chairman ng House Committee on Ways and Means at Finance Undersecretary Karl Kendrick Chua.

“The government rea­lizes that there are businesses that need fiscal incentives and there are industries that invest not really because of incentives but because of infrastructure and the east of doing business,” ayon sa Speaker.

Aniya, titiyakin niya ang pagpapatibay ng panukala dahil sa prayoridad ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“The tax reform, the rationalization of the fiscal incentives that’s what I want to show here that it is not the most important thing. Infrastructure and the east of doing business are the most important things but anyway, it will begin the period of interpellation also when we resume,”diin ni Arroyo.