Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Trahedya sa outing ng pamilya; 3 todas 17 sugatan

0 115

TATLO ang patay habang 17 ang sugatan nang tumagilid at tuluyang bumaligtad ang isang pampasaherong jeep na sinasakyan ng 27 magkakamag-anak habang patungo sa Tanay, Rizal para mag-outing noong Linggo ng madaling-araw.

Kinilala ang mga biktima na sina Manuel Peralta, isang alyas ‘Butor’ at ang apat na buwang-gulang na sanggol na lalaki.

Isinugod ng mga rescuer ng Tanay MDRRMO, Tanay PNP at mga tauhan ng AFP 80th IB ang 17 sugatan sa Tanay General Hospital bago sila inilipat sa Ospital ng Makati. Kritikal pa umano ang kalagayan ng driver na si Noel Butor.

Ayon sa report ng Tanay police, tinatahak ng mga biktima ang matarik na bahagi ng Makaira-Daraitan road na sakop ng Sityo Alas-Asin nang mawalan ng kontrol ang manibela ni Butor pagsapit sa kurbadang bahagi ng Barangay Daraitan, Tanay, Rizal bandang alas-singko ng madaling-araw.

Tumagilid muna hanggang bumaligtad ang jeep bago ito tumama sa poste ng Meralco sa gilid ng highway.

Galing sa West Rembo, Makati City ang mga biktima at mag-o-outing sa Daraitan falls nang mangyari ang aksidente. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.