Una sa Balita

Trahedya sa India: 12 turista nalunod

0 288

ISANG dosenang bangkay ng mga turista ang narekober at 17 iba pa ang naisalba habang nasa 34 naman ang pinaghahanap matapos tumaob ang isang tourist boat sa India.

Sa ulat, binabaybay ng Royal Vashishta vessel na may lulang 63 katao ang bahagi at patu­ngo sa isang picnic spot malapit sa Rajahmundry sa Andhra Pradesh state nang mangyari ang trahedya.

Kagya’t namang sumaklolo ang rescue team at mga diver kabilang ang isang helicopter na nag-ikot sa tutok ng lumubog na bangka sa Godavari river para mahanap ang mga nalunod na mga pasahero.

Ang lumubog na bangka ay pag-aari ng gobyernong India, ayon sa ulat.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy