Una sa Balita

Trahedya ng SAF 44 ‘wag sanang maulit — Palasyo

0 237

Umaasa ang Malacañang na hindi na maulit ang trahedyang sinapit ng mga miyembro ng Phi­lippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) kung saan 44 sa mga ito ang nasawi sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, 2015.

Ito ang mensahe ng Malacañang kaugnay sa National Day of Remembrance ng mga Pilipino para sa 44 miyembro ng SAF na karumal-dumal na pinatay ng mga rebelde sa Mamasapano.

“As we recall the tragedy that befell the PNP officers in Mamasapano, Maguindanao ang pay ho­mage to the bravery and heroism of the 44 members of the Special Action Force or known as the fallen SAF 44, let us learn and reflect from the mistakes of this botched poloce operation that it will never happen again,” pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Hinikayat ng kalihim ang sambayanan na patuloy na ipagdasal ang kaluluwa ng nga nasawing pulis at hangad na makamit ang hustisya para mapanatag ang kalooban ng mga nagdadalamhating pamilya.

Ang 44 na miyembro ng SAF ay ginawaran ng posthumous Medal of Valor award ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang pagkilala sa kanilang kabayanihan at pagbuwis ng buhay para sa bansa. (Aileen Taliping)

Attachments area

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More