Una sa Balita

Traffic enforcer sibak sa panunuhol

0 429

Kinumpirma ni Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) chief Dennis Viaje na sinibak na sa kanyang tungkulin ang isang traffic enforcer na nahuli sa video na tumatanggap ng suhol mula sa isang moto­rista noong Nobyembre 18.

Kinilala ni Viaje ang traffic enforcer na si Modesto Tabion Ta­deo Jr., nakatalaga sa MTPB Sector 5, panulukan ng United Nation, Taft Avenue, ng nasabing lungsod.

Nabatid na nag-viral sa social media ang video na ipinost ng netizen na si Love Laurena na nakitang tinatanggap nito ang isinuhol na pera ng motorista.

Lumutang ang vi­deo ilang oras lamang makaraang ianunsyo ni Manila City Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso ang pagka-regular ni MTPB enforcer Mc Adrian Lim na nakaladkad ng sinita nitong driver ng kotse noong Sabado.

Ikinadismaya pa ng alkalde ang insidente ng panunuhol, aniya sa kabila umano ng kanilang pagsisikap para sa pagdidisiplina sa kanilang mga kawani ay mayroon pa ring bulok na kamatay sa kanilang hanay. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More