Una sa Balita

Traffic enforcer sibak sa 2,000 kotong sa dayuhan

By
0 504

BUKOD sa isasampang kaso, sibak sa tungkulin­ ang isang miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) matapos na mag-viral sa social media ang ginawa­ nitong pangongotong sa isang dayuhan na ­hinuli sa paglabag sa batas ­trapiko.

Nangyari ang insidente noong Hulyo 16 ng alas-nuwebe nang umaga sa may Dimasalang, Blumentritt, Sta. Cruz, Maynila.

Ayon kay Jay ­Guttierez, sector commander,­ sinibak na ni MTPB Chief ­Dennis Alcoreza ang MTPB ­enforcer na si Ferdinand Borja, 40 at hindi na rin umano ito makita.

Nalaman na galing umano sa norte ang ­dayuhan na nakilalang si ‘Mr. Albert’ kasama ang kanyang misis na Pinay nang sitahin ni Borja ­dahil sa paglabag sa ‘number coding’.

Tinikitan umano ni Borja ang dayuhan pero nakiusap ang babae na bayaran na ang violation at inabutan ito ng P2,000.

Nang humingi ng resibo, sinabihan umano­ siya na ang pera ay bayad­ sa areglo dahilan para magreklamo ang babae sa Manila City Hall.

Sanhi ng naturang­ insidente, pansamantalang­ pinagbawalan ang mga MTPB personnel­ na maniket ng mga ­motorista.